by: Shintaro James Alesna
So paano nga ba nagsimula ang isang tulad ko?
UNA. Nangarap ako, and yes sa mukha kong to may pangarap din naman ako. Sinabi ko sa Nanay at Tatay ko, “Ma, gusto ko po maging Piloto”. “Sus maryosep Shin, mahal yan”, sagot ng nanay ko. Oo, alam ko yun. Alam kong di kami mayaman at malabong makakatungtung ako ng cockpit lalo pa magmaneho nito. So Shutup nalang ako. Kasi nga bata pa at di alam yung salitang “pinag-iiponan yan”.
PANGALAWA. Nilipat ko atensyon sa ibang kurso. Kumuha ako ng kursong malapit sa kung anong merong eroplano (Kasi nga mataas at ang tayog ng pangarap ng lolo niyo). Yun nga, pumasok ako bilang Aircraft Maintenance Technology sa CATS (yung nagkukumpuni ng eroplano). Natuto akong pakiramdaman ang bawat parte ng isang Cessna 150 na nakatambay lang sa school naming (for lesson purposes only). At talagang na enjoy ko naman, kasi nga EROPLANO.
PANGATLO. Nag-On-the-Job Training. Pagkatapos ng ilang taong kahalubilo ko lahat ng kapwa ko AMT, isang requirement para makapagtapos kami ay ang pagiipon ng oras na pinapractice naming yung pagkamekaniko naming. (ipon is the word nanaman). Nag apply ako as OJT sa Cheynair Aviation luckily natanggap din naman (galling!) Isa ata sa pinakamemorable na moments yung OJT days ko. Aside sa mataas talaga yung OJT hours na kailangan kong e-acquire, di mo talaga mamalayang patapos kana dahil sa mga kasamahan mo. (Special mention to Chief Tarona. Idol!) Dun kumatok sa puso ko ang flying school na ito. Kasi nga motto nila, “We are not just a team, we’re FAMILY.” *insert HEART
PANG-APAT. Bumenta yung pangarap ko. Di lang sya bumenta sa Nanay at Tatay pati mga kapatid ko. Bakit? E nagbenta ba naman ako ng brownies, macaroons atbp. (for inquiries, tawagan nyo ko please) sa opisina at skwelahan, aba syempre “Ang Bait ko” (HAHA). So yun nga, napapayag ko yung papa ko na hinay-hinay kong pasukin yung flying. Yehey!
PANGLIMA. Lipad. Literally lumipad talaga ako. Akalain mo yun? Umabot talaga ako sa himpapawid. Kasabay ko yung ibon habang Malaya naming tinatahak ang lalim ng pangarap namin. (wow deep.) Nagflying na nga ako. Of course sa Cheynair Aviation, bias ako eh. Naging Private Pilot ako mga ilang months lang, (oh diba bilis). Nagsimula ako last year, ngayon waiting nalang ako ng Check-ride for Commercial Pilot while sinsabay ko yung Instrument and Multi-Engine Rating ko ( tsaka pagbebenta ng brownies ko syempre).
Alam kong marami pa akong bigas na kakainin (o baka brownies), ulap na kakaharapin at turbulence sa life. Pero you know, Pinoy as we are di nageexist yung word na “give-up”. Kakayaning ko to. Kaya ko. For more wings and beyond.
LASTLY, isa lang yung ma-aattest kong totoo. God is with us, mapa LuzViMinda man tayo kasama natin sya. Bawat paghawak natin ng yoke, pagtapak ng rudder at pag adjust ng mixture; nandyan SIYA. Pananalig is the key. To GOD be the GLORY.
-nagmamahal,
SHIN CPL at your service <3